ONLINE RADIO

CaviteRadio feat. DJ FriendZoned

Sabado, Pebrero 1, 2014

Buwan ng Mayo (9 June 2011 at 02:42)

KALENDARYO
Isang buwan na na pala
isang buwan mula nang una kitang nakilala
Isang buwan na din akong masaya
sa piling mo kahit may mga paunti unting tampuhan

Ikapitong araw nuon buwan ng Mayo
nang una tayong nagtagpo sa mundo ng yahoo
DJ ako nung mga panahon na yun
at ewan ko ba kung ano ang dahilan at kung bakit ka nahalina sa boses ko
konting katuwaan lang naman meron noon asaran at kulitan habang nagsasalita ako

MUSIKA
mga musikang pinapatugtog ko na nagdudulot ng ngiti sa mga nakikinig at ganun din sayo
mga musikang naging daan upang makuha ko ang atensyon mo
musikang naging dahilan ng mumunting tibok mula sa puso mo

pinakilala mo sa kin ang paborito mo
na sa huli'y medyo pinagseselosan ko
pano ba naman lagi na lang siya ang bukang bibig mo

TRIVIA
mga katanungan hiniling mo at sinabi mong hilig mo
mga katanungan at hilig mo na nakakuha ng atensyon ko
akalain mo makatagpo ako ng tulad mo
katulad mo na may topak sa ulo pero may galing at talino

BROKEN HEART
mga simpleng usapan na naging seryoso
usapang tungkol sa mga nakaraan natin
mga nakaraang nagdulot ng ngiti at pait sa ating damdamin
mga nakaraan na nagdulot ng pagbabago sa atin
mga nakaraang nagmulat sa katotohanan na tangapin na lamang ang mga bagay na nagdaan
at harapin ang panibagong bukas
at umasang ang mga nangyari ay magiging isa na lamang alaala

MANNY PACQUIAO
nakakatawa man isipin pero siya ang isa sa dahilan sa pagmamahalan nating nagmula sa isang biruan
pano kase IDOL mo siya eh
nagpaalam ka na matutulog dahil manunood ka pa kmo ng laban nya
kung kaya't nagpaalam ka na at kinuha na lamang ang numero ng aking telepono

telepono na isa ding naging medium nang ating komunikasyon
nagtext ka pagkakuha mo ng numero ko
di ako nagreply kase wala akong load
sinabi ko sayo na di ako nagloload dahil wala naman akong itetext
hanggang sa kinabukasan pagkagising mo ay nagising ako sa mga mensahe mo sa aking telepono
mga mensahe mong tinago ko upang ipakita sayo pag nagkita tayo
mga mensaheng magpapaalala kung ano ba ang pinagsimulan at pano naging TAYO

ngayon buwan na ng HUNYO
ika-isang buwan mula nung MAYO
BUWAN ng MAYO na naging isang napakaimportanteng buwan sa kin
dahil sa bukod sa BUWAN ng pagkakasilang ko sa mundo
BUWAN din ito ng muling pagtibok ng puso ko

oo nga pala boss
bago ko tapusin to
HAPPY MONTHSARY nga pala sayo

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento