ONLINE RADIO

CaviteRadio feat. DJ FriendZoned

Sabado, Pebrero 1, 2014

Yahoo!

Yahoo! ano nga ba to bukod sa email client na kalimitang ginagamit ng mga internet user?

Sa elektronikong mundong ito madami ang mga pangyayari na aking naranasan
andito yung makakahanap ka ng mga kainigan, kaaway, kasintahan, kainuman, kasama sa galaan, kasama sa puyatan, kaasaran. Masarap at nakawiwili sa mundong ito, lumilipas ang mga oras mo na di mo namamalayan, masarap makipag kulitan dito, sasabayan mo ng patugtog ng mga musika ang kulitan kantyawan at usapang ng kung anu ano, madaming chatroom na pwedeng galaan, at pag dadating ng oras ng eyeball, ayan na maglalabasan na mga kausap mo, makikita mo na yung mayabang, yung may magandang boses, yung kaakit akit sa mga pictures sa avatar at maging sa facebook. Dito na magsisimula ang panibagong yugto, ligawan, or career sa termino ng chatters.

Sa mundong ito ako nabubuhay nuong taong 2008 hanggang sa mawala ito nuong Disyembre 2012, Madami din akong nakilala, naging kaibigan at naging ka-ibigan dito tulad ng mga ibang chatters. Sumikat dahil sa mga kalokohan ko, sa Musika ko, sa boses ko ( ahem!) (sampol! sampol! sampol!). un lang puhunan ko eh, Di naman kase ako gwapo (wahahaha!) andito ko nakilala sina, LJ, Hanna, Lianne, Sassy, Alex, Regz, Angela, Angel,  Mai, Pinya, Abby, Drei, Rianne, at si ATE Joyce (ate tawag ko eh :-p, incest nga ang dating namin) mga naka "close" ko (tatlo diyan) at mga naging ka-ibigan (the rest).

Dito madami tawag sa kin kuya kahit mas matanda sila sa kin, pag galang daw yun sabi nila...
baguhan ako dito nuong taong 2008, inaya ako ng aking kabarkadang si Jebo, sinama ako sa grupo nilang tinatawag na C3 or Cavite Chatters Club. Una kong naranasan ang ma-BOOT, yung bigla magsusulputan sa screen mo ang santambak na PM, tapos tutunog kala mo POPCORN?! sabay makikita mo magtatawanan ang mga may kagagawan, mula nuon, sinikap kong aralin ang pamamaraang ito at kung paano ito maiiwasan, maging kung paano ito gumagana, Pinag-aralan ko din kung paano gumawa ng sariling program na makakagawa ng ganito, hanggang sa maglaon ay natutunan ko at kuhain akong isa sa admin ng isang website na kinukuhanan ng mga ganitong software, Dito lubos n nahasa ang aking kaalaman sa computer, pinagaralan ko ang ibat ibang program at lengwahe sa paggawa nito. Iilan lang ang lubos na nakakikilala sa kin sa mundong ito, dahil di ko naman ninais na magpasikat ng todo tulad ng iba, iba ibang username ang ginagamit ko, at malimit babae, (may talent kase ako na mag boses babae), tapos ko aasarin ang mga mayayabang at gagalitin, malimit ako na naka "watch mode" lang sa iba't ibang chatroom, nag aabang, at nag aantay ng magyayabang, hilig kong magpanggap na baguhan at mukang tanga sa mundong ito, dito kase ako lubos na naaliw, para sa kin mas ok yung makita ko kahinaan nila sa pamamagitan ng pagkukunwaring wala akong alam, saka ko babawian para walang palag at walang laban.

Madami akong nakilala sa mga room, mga nakasama sa pag libot sa chatrooms, mga nakakaalam ng angkin kong kaalaman, malimit na sila ang nagpapasikat at tatawagin lamang ako kung kinakailangan at di na nila kaya, magaganda kase gamit ko nuon, bukod sa bihira ang software na gamit ko, nagpakabit din ako ng malakas na internet connection at bumuo ng mamahaling computer (yabang ko noh?!).

Madami ang nag pm nuon para magtanung ng kung anu anu lalo sa computer, patulong sa pagbawi ng accnt, pag ganti sa nambastos, at paghiram ng mga gamit, nakakatuwang isipin na ang isang tulad kong walang sapat na pinag aralan sa computer (di nag aral sa school), ay lalapitan at hihingian ng tulong, maging ng mga kasalukuyang nag aaral pa ng mga panahong iyon, Masaya, at nakalilibang hanggang sa huling araw ng Yahoo Chat, inabangan nmin at mangiyak ngiyak na nagpaalam sa mundong aming kinasanayan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento