Nagsimula lahat sa simpleng kwentuhan
asaran, kulitan, palitan ng mga kwento, publema, at mga idea
nakilala kita at nag-enjoy sa mga simpleng kuwentuhan
kuwentuhang pinagsimulan ng simpleng paghanga
paghanga na kahit ganyan ka, malalim ang bawat aspeto na nilalaman ng puso mo
paghanga na nauwi sa munting kirot at tibok sa puso
munting kirot at tibok na kalaunan naging malaki
naging malaki na natuto akong ibalik muli ang mga bagay na iniiwasan ko na
mga bagay na iniiwasan ko na tulad ng paghingi ng tawad, pangako.
mabigat sa kin dahil sabi mo nga mataas ang EGO ko.
OO INAAMIN KO
Mataas ang ere ko mula pa nun bata ako
dahil walang kumokontra sa kin
nakukuha ako ang gusto ko
SPOILED BRAT?
di naman masyado, alam ko namang may mga pagkakamali ako
sadyang naghahantay lang ako ng taong ipapaalam sa kin kung ano ang mga yun
at mabibigyan ng katwiran lahat, dahil sa matigas nga ang ulo ko.
PERO
dumating ka…
tulad ng sinabi ko
IBA KA
binago mo pananaw ko
masaya ako kahit medyo naguguluhan
naguguluhan sa isip at damdamin ko
sa damdamin ko pero ndi sa pagmamahal sayo
sa damdamin ko dahil ndi ako sanay ng ganto
pero gagawin ko…
gusto kong maibigay sayo ang mga bagay na ikakasiya mo
para mabawasan ang mga nararamdaman mong sakit
pero paano?
malayo ako…
ndi ako sanay na puro salita lang
tahimik ako…
mas gusto kong akapin k n lang pag malungkot ka
kesa magsalita at aluin ka…
mahirap..
pero kakayanin ko…
para sa’yo?
hindi…
para sa kin
para maisakatuparan ko ang misyon ko na pasayahin ang MAHAL ko
may mga bagay at pangyayari sa mundo na napahirap ipaliwanag tulad ng bugso ng damdamin
bugso ng damdamin na minsan maganda, pero kadalasan pangit ang kinakahinatnan
naiinis ako…
di sayo kundi sa sarili ko
sa tuwing makikita ko o malalaman sa literal na salita
na napapasama ko ang loob mo
pakiramdam ko nabigo ako
masakit sa kin…
masakit sayo…
pero db sinabi ko din nman na mas higit at lalo ako nasasaktan
una dahil ayaw kong iiyak ka
ayaw kong may mga gantong pangyayari na dadaan sa tin
kahit na di maiiwasan dahil un nman talaga ang daloy ng mundo
KAYANIN, HARAPIN
ganyan na lang siguro…
yan ang nasa isip ko
yan ang nsa puso ko
wag mo sanang sisihin lagi ang sarili mo sa mga bagay na nangyayari sa tin
di mo yan kasalanan
dahil di yan mangyayari kung wala ako sa buhay mo
parte ako ng buhay mo, kaya parte din ako ng nangyayari sayo.
kasalanan mo, kasalanan ko
wag mo solohin
di nman ikaw lang ang nagmamahal db?
MAHAL kita sinabi ko yan syo
at handa akong patunayan yan…
pero ndi pa sa panahon ngayon…
madami tayong dapat unahin
TRABAHO ko, PAG-AARAL mo
gawin nting insperasyon ang namamagitan sa tin para maisakatuparan kung anu man ang mga pangarap ntin
pangarap ntin na maaring pagsaluhan ntin sa huli
WALANG HABAMBUHAY SA MUNDO, KUNDI PAGBABAGO
yan ang sinasabi ko
dahil yun ang totoo
pero kung ang mga pagbabago nman ay magkakaron ng negatibong resulta
siguro…
….
hindi na siguro…
OO AAMININ KO MASASAKTAN AKO
kung kabaligtaran naman at maging positibo
SALAMAT
dahil na stage of getting to know each other pa din nman tayo
mura pa ang relasyon na to
madami pang darating na pagsubok sa tatag nting dalawa
tulad ng mga alon sa dagat na patuloy na hahampas sa dalampasigan
na babasag sa mga bato at gagawin mga pinong buhangin
mga pinong buhangin na sa huli ay magdudulot ng saya, lungkot, at pag-asa
saya para sa mga maglalaro dito at gagawing magagandang SAND CASTLES
lungkot dahil magiging kanlungan ng mga pusong bigo at naghahantay sa pagsikat ng araw
pag-asa na sa pagkanlong ng mga buhangin sa tin magkasama nating tatanawin ang bawat paglubog ng araw
MAHAL KITA tandaan mo yan
PASENSYA NA kung ganto ko, pero gagawin ko ang lahat para mapasaya ka at maibigay sayo ang sa tingin ko ay dapat sa’yo.
PANGAKO na ikaw lang at wala ng iba pa
asahan mo na di kta bibiguin sa tatlong bagay na yan
SALAMAT sa pag-unawa mo, SALAMAT sa pag-intindi mo, SALAMAT sa pagmamahal mo…
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento