Di ko maisip kung bakit panimula ang inilagay kong titulo dito, dapat sa dulo kase parang kwento lang naman to ng mga lumang Adventures ko.
Simulan natin...
Taong 1993 ng una akong nakahawak ng kompyuter, sa Eskwelahan pa yun, (mahal kase di pa kami makabili), namangha ako sa mga kakayahan nito (kahit na itim at puti o di kaya ay itim at berde lang ang kulay ng monitor nuon), tuwang tuwa ako sa DOS, kase bago sa aking kaalaman ang mga nakikita ko, dahil bata pa ko at likas na may pagka aktibo ako sa larangan ng pag-aanalisa at pag iisip (naks!). Madali kong natutunan ang mga commands dito, isa ako sa naging paborito ng guro namin nuon dahil ako ang palaging nakakasunod sa mga instructions nya, kaya lamang sa sobrang kuryosidad ko, ako din ang kaunaunahang nakasira ng kompyuter sa eskwelahan namin, nilagyan ko ng password na ASCII yung mukang mga bakod?
tapos di ko matandaan kung ano ga pinagtatype ko. hahaha!
Lumipas ang isang taon ko sa Antas na yun sa Eskwelahan, at madami pa akong natutunan, Taong 1994 ng bumili ang tito ko ng sarili naming kompyuter upang gamitin sa aming maliit na silid aralan sa bahay, Natuwa ako dahil ako ang mamahala ng pag gamit ng kompyuter namin, at dahil duon, binigyan ako ng prebilehiyo ni tito na mag-aral ng higit pa sa kompyuter s pamamagitan ng summer classes sa aming Local na pamahalaan,
dito naman ako unang natuto mag program, mga basic lang naman, pero nakabisado ko ang DOS/CMD ng lubusan. Sa summer class din na yun ako una nakapapglaro ng games sa Personal Computer, Tom and Jerry ata yun?! saka PacMan?! ahahaha! at dito ko una nagamit ang Win 3.1, hanggang sa matapos ang summer at balik regular na eskuwela na ako, ang kaibahan lang DOS pa din pinapagamit sa amin, samantalang nakagamit na ako ng windows, at dahil atat na ko, minsan kinakalikot ko ang mga unit para sa windows, na lagi naman nagiging dahilan kung bakit ako napapatawag sa Guidance Office (buti na lang tropa ko na si Ma'am Guidance Counsellor).
Taong 1996 nang ma kick-out ako sa eskwelahan namin dahil sa aking kalokohan, Matataas grado ko nun sayang! sadyang pilyo lang kase tlaga, nilagyan ko ng PLA-PLA ang gymnasium namin sa araw ng General Practice ng Foundation Day, na naging dahilan kung bakit inatake ang isang guro, at naging sanhi din ng aking pag kaka-patalsik sa eskwelahan na yun, Bale ba anlakas ko pa mangantyaw sa mga kaklase kong may kakulangan sa pag aanalisa at may kahinaan ang ulo sa eskwela, tatlong line of 7 kase nun sa min kick-out, kumbaga tatlo 79 mo kick out ka, tapos ako pala ang aalisin, SAKLAP!
Napilitan akong lumipat sa isang pribado ding eskwelahan, ngunit sa kasamaang palad ay di gaanong advance ang turo (di tulad ng sa amin nuon), may kompyuter din dito pero 5:1 ang gamit, sa min nun 1:1
palibhasa ako ang may alam ako lagi ang nakakagamit at ako nag nagtuturo sa mga kaeskuwela ko (yabang!) pero totoo yan! kahit itanung nyo pa sa guro ko at sa principal namin na sinagot ko dahil mali ang translation nya ng English to tagalog (astig noh?! principal kinalaban, hahaha!) may kasutilan kase ako tlaga,
lumaki ako sa pamilya na ako ang unang apo, at ako ang tinuturing na bunso sa magkakapatid nila ermat, at malimit ko kausp ang tito ko, UP grad eh (diliman), prof din ng UP, kaya ayun nahasa ata ako sa talakayan at mga kaisipan nila, palagi kase ako tambay sa UP nuong elementary ako maging nung highschool, lagi kase nya akong sinasama. kausap ko ang mga kapwa nya propesor dun, nakikipag kwentuhan sa mga estudyante khit na elementary lang ako.
Dahil din sa kalokohan kong isinaad sa itaas, di rin ako tumagal sa eskwelahan na nilipatan ko, lipat ulit ng ibang eskwelahan ng 4th yr, bale 3rd yr di ko natapos sa orihinal n eskwelahan ko, January nun ng sapilitan ako palipatin ng ibang eskwelahan, kaya nangyari ay tinapos ko lang ang 3rd yr sa pangalawang eskwelahan at lipat ulit ng iba nun 4th yr. Nakagraduate naman ako, pero di ako nag CAT sinagot ko din yung commandant namin nun, patatakbuhin ba naman ako sa initan?! taz tinakot ako n di ako makakagraduate, hehehehe! tapos nun katapusan ng semestre dalawang J&B lang pala katapat(regalo ni ninong sa commandant) ayun! abswelto na!
Tuwang tuwa ako nun kase naisahan ko sila, (corrupt eh noh?!) Pero nun tangkain ko nang kumuha ng kurso sa kolekiyo, ECE sana ang gusto ko, ngunit sa kasamaang palad ay di ko nakuha dahil sa records ko nun Highschool, TUP at PUP ako nag aaply nun, inayawan ako tsk! kaya napilitan ako kumuha ng kursong Entrepreneur sa Letran, na isang semestre lang din, dahil nga di ko tlaga kursunada at gusto ko lang mag-aral, sabay apply ulit sa Teknikal na kurso, ngunit di pa rin pinalad na tanggapin, nun panahon na yun uso ang seaman, kaya pinakuha sa kin ni ermat eh BSMT na lang, kahit gusto ko sana Aeronautics, kase nun bata pa ko pangarap ko magpalipad ng eroplano lalo yung fighter planes, hehehehe! napilitan akong kunin ang BSMT at nagtyaga ng ilang taon, subalit di ko tinapos isang semestre na lamang ang kulang, kakasawa eh redundant, yung curriculum namin paulit ulit lang, stagnant utak ko.
Sa mga panahong nag aaral ako ng kolehiyo naman ay kasabay ng pagkakahilig ko sa electronics, (kaya ECE tlaga plano ko) libangan ko kae ang 2-meter radios (BREAK! Juliet Kilo Romeo, Permission?)
dito din ako namulat sa pag analisa ng mga circuit boards, pag repair at pag manufacture ng antenna at iba pang mga gadgets na ginagamit nmin, natuto din ako gumawa ng sarili kong schematic diagram dahil s pagbabasa at pag-aaral ng mga IC at components, nakagawa ako ng mga gadgets na sarili kong disenyo, meron pa nga kaming binebenta dati, kopya ko ang teorya sa MOTOROLA pero ginawa ko sa murang pyesa at sarili kong design, kaya lang di ko pa patent, ayun kinopya ng iba, SAKLAP!
Kasabay ng mga panahong ito ako namulat sa pagiging NGO, sumali sa Kabalikat, sa Rescue, sa iba't ibang operasyon na nangangailangan ng Volunteer, dito ko naranasan tumulong sa mga nasalanta ng bagyo, ng landslide, ng mga naaksidente atbp. Dito din ako nakaranas ng gutom at di pagligo ng dalawang araw, walang tubig eh, pero sulit lahat kapag nakikita mo yung pinagpaguran mo na nakapagbigay ng kahit kaunting ginahawa sa kanila, minsan pati baon ko naibibigay ko pa, yung yosi ko tipid na tipid, dahil nga nahihiya ako magyosi tapos yung iba sa resettlement wala makain, tapos ako gagastos pa sa bisyo.
Nitong mga panahon din na ito ako aktibo sa kakagala, kung saang saang probinsya, mula norte hanggang visayas, nakikisalamuha sa mga magsasaka, mangingisda, eskwater, misyunaryo. Aktibista din kase ako.
madami ako natutunan sa kanila, ang di ko malilimutan eh si manong sa Camarines Norte, bukambibig ang pangalan nya sa mga kanayon niya dahil sinasabing may sakit sa pag iisip, pero kinausap ko siya at nalaman kong nasa wastong pag iisip naman pala, nag ka trauma lang sa trahedyang naganap sa kanya sa pangingisda nya, madami ang nagtaka sa akin nuon at naging usap usapan ako sa lugar nila, iniiwasan kase nila si manong dahil baliw nga daw, pero dahil may lahi din kaming bicolano, naintindihan ko ang sinapit ni manong, nakwento din sa akin ni lolo ang ganung pangyayari nung bata pa ko, mga storya sa paninisid, mga encounter sa mga higanteng laman dagat, Baracuda, Pating, Kugtong. at nababasa ko din sa mga libro nuon ang tungkol sa mga iyon, dito mo malalaman sa gantong pagkakataon o pangyayari ang naidudulot ng mga kaisipan at kaugalian sa mga probinsiya na huhusgahan ka agad, mga maling kaugalian ng mga pinoy kumbaga.
Sa panahong ito din ako nagpabalik balik sa Baguio, ang dahilan kung bakit, sa susunod na kwento ko na.
Nakakatuwang isipin na marami akong napuntahan dahil sa aking kuryosidad at dito rin nahasa ang aking kakayahang makibagay sa lahat ng antas ng buhay, makikain ng mga halamang gulay na nuon ko lamang nakita, mga lutong kakaiba, mga insekto na kinakain lalo kung survival sa bundok. Nakakamiss din ang ganitong mga gawain, Sa totoo lang mas gusto ko mamuhay sa probinsiya kesa dito sa siyudad, sariwa hangin nila, malinis mga ilog, magaganda mga tanawin, may matatayog na bundok na masarap akyatin, samantalang dito, Mausok, Maingay, mahal mga pagkain, Maluho, magulo....
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento