
MUKHA nito ang tinitigan ko maghapon
habang inaantay gumalaw ang kanyang mga kamay
at tumama sa numerong nais ko
mga numerong pinagmulan ng tampuhan
tampuhan na nagresulta ng maghapong kalungkutan
Ito din ang inantabayanan ko kahapon
nagmamadaling matapos ang mga gingawa ko
nang sa ganon ay abutan KITA sa pag-uwi ko
at makapagusap ng mahaba
bago ka man lang mapalayo muli ng karagdagang 80 kilometro
Masaya ko sa pag-uwi ko at nagmamadaling humarap sa besfren ko
bestfren ko na naging daan para sa ting dalawa
na siya ding nag-uugnay sa magkalayo nating mundo
at siya ding kasa-kasama ko habang malayo ka sa tabi ko
At nagkausap nga tayo
masaya sa kulitan at paunti-unting tawanan
na sinasabayan namin nang inuman
hanggang sa dumating ang NUMERO sa MUKA ng BAGAY na to
na siya ding NUMERO na pinagugatan ng malungkot na maghapong ito
Nalasing ako at di ko nabigyan halaga ang hiling mo
lasing na di ko talaga matandaan kung ano mga sinabi ko
humingi ako ng pasensya sayo sa KATANGAHANG ginawa ko
di ko alam para bang kaybigat ng nagawa ko
naubos ang NUMERO sa maghapong ito kakaisip kung ano ba talaga ang nasabi ko
ang huling natatandaan ko ay nung magpaalam ako na lalabas ako at may bibilin para mawala ang kalasingan ko
hanggang sa nakatulog nalang ako.
pagmulat ko nagsalita ako sa mikropono pero sinabi sa kin ng kaibigan ko n wala na un kusap ko
nagtxt ako sayo sinabi ko na aantayin ko kung anung oras ka makarating sa pupuntahan mo
pero sabi mo ang ganda ng txt ko at parang alang nangyari base sa pagkakasulat ko
di ko talaga alam kung anu nangyari
sobrang bigat ba ng kasalanan ko?
humingi ako ng tawad sayo at sinabing di na mauulit
hiniling ko ding isantabi mo muna ako sa maghapon upang di masira ang araw mo
ngayon eto pa din ako naghahantay ng mensahe mo
alam kong galit ka pa o kaya's may tampo
pero pwede bang sabihin mo sa kin kung ano
sabi ko nga kanina sori na TANGA ko
pinagantay kita?
pinagmuka kitang tanga?
kahit na ang mga huling minuto mo ay nilaan mo para makausap ako
sabi mo nga ganun mo ko kamahal
pero di ko bigyang halaga ang kaunting ORAS na nais mo
kaunting NUMERO sa pagmumuka ng ORASAN
maghapong umulan
sumabay sa kalungkutan
kung pwede lang hugasan ng ulang ito ang mga kamaliang nagawa ko sayo
magandang umagabakit sinabi ko bang sayo?
ano maganda sa umaga?
madami
ang hangin na nilalanghap natin
ang silahis ng araw na gigising sa tin
ang ulan na maghuhugas ng mga luha sa mata na dumaloy kagabi
at IKAW
walang luhang dumaloy, meron lang naramdaman
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento