ONLINE RADIO

CaviteRadio feat. DJ FriendZoned

Sabado, Pebrero 1, 2014

PADER

sandalan natin kung tayo ay napapagod sa pag-aantay
pinaglalagyan natin ng mga karatula upang pantawag pansin sa iba
magsisilbing pananggalang natin sa anumang bagay na ayaw nating makapanakit sa tin
magsisilbing kanlungan mo

kailangan nito ng akmang pundasyon upang maging matibay at matatag sa pagdaan ng 
panahon, dahil di nito kakayanin ang mga unos, lindol at sakunang darating kung ito ay gawa 
lamang sa mga marurupok na materyal 
kailangan lagyan ng disenyo upang maging kahalihalina sa mga makakita nito
disenyo tulad ng mga likhang sining na mga pinta, mga kuwadrong naglalaman ng  mga 
litratong may magagandang ala-ala, ilaw na magsisilbing "backdraft" upang higit na mapansin 
ang taglay nitong ganda


darating ang panahon na susubukan mong palitan ang mga disenyong iyong nilagay dito tulad 
ng mga kuwadro, ngunit sa oras na iyong inalis mapapansin mong may maiiwang mantsa ng 
dating nakalagay dito, mantsa ng isang magandang ala-ala na isinabit mo dito, noong 
panahong napakahalaga pa sa iyo ng bagay na yon, bagay na sa pagdating ng panahon ay 
maiisip mong palitan na dahil luma na o di na sunod sa uso, o kaya naman ay di na angkop sa 
iyong paningin. halimbawa ay isang malaking kuwadrong dating nakalapat sa pader, na iyong 
susubukang palitan ng isang mas maliit na kuwadro, ngunit mapapansin mo na di nito kayang 
takpan ang dating puwestong nabakante ng matagal ng nakasabit duon.

bakit di natin subukang panatiliin ang mga bagay na inilagay natin nuon dito, at ibase sa 
disenyo nito ang mga bagay ng ilalagay nating susunod, 
hindi ba mas magandang tignan ang mga larawan ng nakaraan patungo sa kasalukuyan?
bakit di natin gawing isang palataandaan ng kamalian o kabiguan ang mga lumang kuwadrong
nakasabit dito? at iakma ang mga susunod na disenyo?
mga disenyong sa tingin mo ay magpapaganda at magdudulot ng kakaibang pagbabago


dahil di natin puwedeng alisin na lamang lahat at palitan lahat ng bago ang nakaraan
dahil kahit anung pilit natin itong gawin patuloy itong mag-iiwan ng mantsa sa kasalukuyan
kailangan nating matutong harapin ito, at umisip ng isang magandang solusyon upang 
maitama o higit pang mapaganda ang pader mo, dahil ang bukod tanging makakapagbago dito 
ay ang tuluyang pagbuwag dito upang mapalitan ng akmang disenyo...


PADER...


katulad ng


BUHAY ng TAO...


PAINTING katulad mo
dahil ikaw ang magsisilbing NAPAKAGANDANG LARAWAN na inilagay ko sa PADER NG BUHAY KO

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento