ONLINE RADIO

CaviteRadio feat. DJ FriendZoned

Linggo, Pebrero 2, 2014

FACEBOOK



HULING POST KO SA FACEBOOK nuong January 19, 2014


To all my FB Friends, Followers, Opismates, Close Friends etc.




Kulang limang na taon na mula nung una ko gumawa ng account dito sa facebook,

na nagsimula nang ang mga chatmates ko sa Luzon 7 ay nagsimulang "maadik" dito.

nung una lubos kong pinagtaka kung ano ang meron sa facebook, bukod sa nakakaboring na mga Flash Games, pictures etc.




nakakatawang isipin na nung mga panahon na yun sadyang kuryosidad ang nagtulak sa kin para alamin at kalikutin ang facebook, gumawa din ako ng accnt at nagsimulang maglaro ng mga kinaadikan nila tulad ng farmtown, farmville, Mafia wars, Car Town.

na sa huli ay may mga natuklasang "bugs" sa mga laro, na di ko naman pinagkait sa mga kaibigan ko, sa pamamagitan ng pag post ng mga paraan kung paano ito gumagana, hanggang sa may mga matuklasang kakaibang paraan upang makuha at magamit ang accnt ng iba, na naging dahilan ng kaunting kayabangan. Dumaan din an panahon na ang aking mga kaalaman at mga natuklasan ay ginamit ko upang matulungan ang aking mga kaibigang humihingi ng kaunting tulong para sa mga pambabastos ng ibang user dito.

inaamin kong madami din akong nasaktan at nagawan ng mga di tamang gawain, mga biktima ika nga, higit 4 na libong account na aking pinaglaruan noong panahon ng 2009-2011. mga panahon na nakawilihan ko ang "pagpapasikat", "pagyayabang", "pag-ganti" atbp. sadyang iponopost ko pa ang mga ito nuon. na aking kinatutuwa dahil sa marami ang "humahanga" sa isang tulad kong walang pinag-aralan sa computer at di nagtapos ng kahit anung kurso.

madami din dito ang naka-add na naging malapit sa kin at maging mga nging kasintahan sa larangan ng chat at sa tunay na buhay (alam nyo na kung sino sino kayo), kung anu man ang mga ngyari sa tin nuon, pasensya na, alam ko madami din akong pagkukulang sa inyo, mga nagawang mali, mga pangloloko, PERO alam nyo din naman sa sarili nyo ang tunay na dahilan kung bakit at ano mga naging publema natin. sa inyong mga nag popost pa din ng mga mensahe at nagpapa-add, pasensya na, tamad ako mag-add, alam nyo yan, at sinabi ko yan sa inyo nuon, sweet lang ako at may oras sa babaeng gusto ko, pero wala akong oras sa mga di na gaanong mahalaga sa kin. dun sa iilan naman na nasaktan ko, pinaglaruan, ginago etc.
pasensya na po.

sa mga kaibigan ko naman na nakasama sa mga gimikan, inuman, pambababae at nakasalamuha sa chat at sa personal. Mga tol, dre, dude, pare, master, idol at mga ginagago ko. alam nyo na un, analisahin nyo na lang kung ano mga pnagsamahan natin. at ano mga nagawa ko sa inyo at mga nagawa nyo sa kin, mga kasalanan nyo at kasalanan sa kin. yung mga kalokohan natin ha, wag na ikalat pa.

sa mga nagpapatulong pa din hanggang ngayon, mga nagtatanung ng kung anu ano regarding sa computer at cyberworld, pasensya na, kung minsan ayaw ko sumagot sa mga PM, alam nyo naman na ayaw na ayaw ko ang spoon feeding, may mga utak kyo, gamitin nyo naman kahit minsan, sayang eh, basa basa din pag may mga time, di yun puro laro lang ginagawa nyo.

to all my comrades on the underground community, you know where to keep in touch with me, you know how to contact me, if ever I'd be needed for some operation.

Life is all but a constant change, and is a never ending journey, and nothing is forever except that.

My journey on ends here, today.

I have come up to my final decision to stop using facebook, and to cut my connection with you guys.

this'll be may last and final post to this account, I will not deactivate this, but I won't be using this anymore. I have no plans of creating another one.

You guys know where to contact me, and where to reach me.

HASTA LA VISTA!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento