Ano nga ba meron dito?
Ahh! yung mga testimonies, comments, sang katutak na pictures, at nag gagandahang lay-outs
payabangan ng design dito nuon, CSS ang ginagamit, padamihan ng friends, pagandahan ng testi
Napilitan din ako gumawa ng account dito nuon, OO, napilitan lang ako, kase may hinahanap akong pangalan, at kailangan may account ka, di ko pa alam nuon kung panu magbukas ng profile ng iba kaya gumawa na lang ako ng sarili kong account, tapos di ko din ginamit, hanggang itanung ako ng mga kasama ko sa Yahoo Chat kung meron ako, dun ko sinimulang ayusing ang Page ko, lagyan ng CSS at sariling disenyo, ginawa ko din yun na Online Photo album, kumbaga dun ko nilalagay lahat ng pictures, kase 80Gb lang HDD ko nun, mga litrato ng gimik ng tropa, pero ni isa ata wala muka ko, bukod kase sa di nga ako gwapo, ako lagi may hawak ng camera, at saka ayaw ko talaga magpakita ng muka sa internet. kakatuwa din nuong nalaman ko kung paano pwede tignan ang mga Private Pictures, dami mo makikitang hubad na larawan, makikita mo mga POSERS na panay GRAB lang at nagkukunwaring sila yun. Dun din ako una gumawa ng BLOG ko, yung ibang laman nito dun nangaling dati.
Kaya lang katangahan o ewan hindi ako nglagay ng back-up, kaya nun nawala ang Friendster, aun wala na din mga pictures namin ng tropa, SAYANG!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento